Bago nagpaalam ang babae ay kinausap pa ang baliw na huwag huhubarin ang kanyang isinuot na T-shirt at sabay inabot ang mga barya at nakalamukos na pera sa kanyang kamay. Umalis na ang babae patungo sa MRT Station at duon ay may nadaanan siyang mga nagtitinda ng panty at mga tsinelas sa bangketa. Naalala niya ang iniwan na baliw at dali-daling bumili ng tatlong pirasong panty at isang pares ng tsinelas at mabilis na binalikan ang karinderiya. Wala na ito ng siya ay makarating duon at itinuro na lamang ng tindera kung saang direksiyon ito patungo. Nakita niya ang baliw na naglalakad sa hi-way medyo may kalayuan na din, kaya siya ay dali-daling pumara ng bus at sumakay. Ng maabutan niya ito ay hinatak sa likod ng poste at isinuot ang panty at tsinelas. “ Nasaan ba kasi ang mga damit mo?” sabi ng babae “Tinapon ko kasi madumi na” sabi ng baliw. "Alam mo ba na nakahubad ka kanina?" “ Hindi” Tugon naman ng baliw.. "Bakit ka ba napadpad sa Forbes Park?” tanong ng babae “ Hinahanap ko ang kapatid ko sa Binangonan” sagot ng baliw. "O sige huwag mo ng huhubarin lahat ng isinuot ko sa iyo ha?" Hindi na muling sumagot ang baliw.
Kinawayan ng babae ang ang paparating na bus. Inakay ang baliw at sabay na sumampa sa estribo. Kinausap niya ang driver at kunduktor habang nakatingin lahat ng mga pasahero sa kanila. “Mama pakibaba nyo lang po itong babae sa Crossing pakituro na lang po ang sakayan papunta Binangonan at ito po ang bayad. ". "Ate salamat” ang mahinang usal ng baliw. Ngumiti ang babae , bumaba na ng sasakyan at sinundan ng tingin ang papalayong bus. Kinagabihan, bumisita ang babae sa kanyang mga apo at ikinuwento sa anak ang nagyari. “ Si Mama, hindi ka ba natakot kung ano ang gagawin sa iyo nuong babae ng lapitan mo?” tanong ng anak. “ Hindi!” Mariin na sagot ng nanay. “ Hindi ko maatim na makita ko ang isang babae na ganuon ang kalagayan, kahit pa nga sabihin mong wala siya sa katinuan”. Ikinuwento ng anak sa kanyang asawa ang nangyari . . .
Mahigit 20 taon na kaming nagsasama ng aking may-bahay at sa awa ng Diyos bagaman paminsan minsan ay may alitan at di pagkakaunawaan ay napapanatili pa rin naming matatag ang aming pagsasama. Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagiging matatag ang ang aming relasyon ay magandang samahan namin ng aking biyenan.. Karamihan sa pagsasama, ang mga biyenan ang itinuturing na kontrabida ng buhay may asawa at kadalasan ay nagiging sanhi pa nga sila ng paghihiwalay . . Maniniwala ba kayo na sa loob ng mahabang panahon ng aming pagsasama ni Eva ay wala pa kaming hindi napagkasunduan ng aking biyenan? Isa siguro ako sa may pinakamabait , pinakamaunawain at pinaka- supportive na biyenan. Nabasa ninyo bang mabuti ang aking kwento? Sasabihin n'yo bang di ako masuwerte? Ganito ba kabait ang biyenan n'yo?