Bigas – "staple food" ng Pilipinas, sa mga nagdaang araw laman ng mga diyaryo at balita sa television at radio man ang napipintong global rice crisis at isa tayo sa mga apektado . Nakakatawang isipin ang mga pangyayaring ganito. Iniisip ko tuloy sino ba talaga ang may kasalanan tao ba? gobyerno ? o ang kalikasan? Nuong araw natatandaan ko pa ang mura ng bigas, nuong mga panahong namamayagpag tayo bilang pangunahing producer at exporter nito. Hindi pa kinikilo ang bigas noon , salop ang panukat at supot na papel ang lalagyan. Makabibili ka nuon sa halagang 25 centavos kapalit ng isang salop at may dagdag pang isang dakot kung madaling pakiusapan ang binibilan. May mga nagdaang krisis din nuong mga panahon na yaon at natatandaan ko pa nga na inirarasyon pa ang bigas para mapag-abot lang ang supply. Pero pag dumarating ang ganitong problema mabilis ang aksiyong ng gobyerno . Ngayon P30-P35 at aabot pa raw ng P45 a kilo susmaryosep! Excuse me po!. Kawawa naman tayong mga mahihirap lalo na yung mga walang hanap buhay. Kanin na nga lang ang kinakain nila kahit idildil sa asin o toyo na may mantika at kamatis mawawala pa? Palubog ng palubog na nga ba tayo sa kahirapan? Ang mga magsasaka natin ayaw na kasing magtanim kulang daw ang supportang ibinibigay ng gobyerno. Ang mga lupang sakahan lalo na sa Central at Southern Luzon ay paliit na ng paliit dahil gingawang residential subdivisions at commercial districts ng mga kapitalista. Kulang din tayo sa irigasyon at post harvest facilities. Malaking impact din ang trade liberalization policy ng gobyerno sa ating mga magsasaka. Isa ring dahilan ay ang kawalan ng mga Pinoy ng disiplina sa pagkain. Ilagay lang natin sa ating plato ang kaya nating ubusin. Kung ano lang ang kaya nating kainin yung lang ang orderin natin sa Jolibbe man o Mcdonald. Sayang ang mga kaning naitatapon lang sa basurahan. Nakakalungkot isipin na naungusan na nga tayo ng mga kapitbahay nating mga bansa sa larangan ng pagsasaka ng bigas. Thailand, Vietnam, Indonesia, Myanmar - - hindi ba dito sa Los BaƱos Laguna nagpakadulabhasa ang mga iyan? Tayo pa nga ang mga nagturo? At ngayon tayo ang nagmamakawa sa mga bansang ito na makaangkat ng bigas na ating isasaing? Tsk!Tsk!Tsk! Kawawa naman tayo. Kailan tayo matuto? Kailan tayo magbabago? Oo nga pala inaanyayahan ko kayo na muling panoorin ang “Kapag Puno Na Ang Salop” ni Da King. Medyo may pagbabago nga lang dahil pinalitan na yung title siguro nabasa mo na? Yung mga famous lines ni FPJ at Eddie Garcia inedit na din:
Eddie Garcia: “Marami ka pang kakaining bigas”
FPJ: “ Di na ako kumakain ng bigas” “ Mahal na kasi” “ Kaya ikaw Judge...mag-noodles ka na lang!”