Thursday, December 6, 2007

PHWE!...NIX TAYM DAY, MAGENG GUD KA NA HA?

Nabalitaan ko lugmok ka na, naghihingalo at pilit isinasalba ang sarili. Ano na nangyari sa iyo? Maraming nagsabi nanghihina ka na, hukab na ang likod at malaki ang itinanda. Kabayaran na kaya iyan? Akala ko ba magaling ka? Akala ko ba matatag ka? Hindi ba lagi kang nagmamalaki na matalino ka? At laging sinasabi na ang kayamanan moy hindi mauubos? Bakit nagkakaganyan ka ngayon? Hindi ako nahahabag sa iyo dahil alam ko kahit papaano mabubuhay ka at maaring magpatuloy pa ang maling ugali at gawa mo. Nahahabag ako sa mga taong kinawawa mo. Napag isip-isip mo na ba? Bakit mo sila ginanuon? Sa mahabang panahon ,binusog ng mga taong ito ang sikmura at bulsa mo. Pinagsilbihan ng buong sipag at tapat. Pero ang masama walang nangyari. . . Nalungkot ako ng mawalay ako sa iyo, akala ko katapusan na ng mundo ko, yun pala akala ko lang yun. Dahil ng mangyari yun lubos kong nakilala ang sarili ko at kahalagahan ng pamilya ko . Naisip ko nag aksaya lang pala ako ng oras at galing ko sa iyo katulad din ng iba na lumayo at pinilit iahon ang buhay sa paghihirap na dulot mo. Higit na nakakaawa ang mga taong nagtatago sa palda mo. Andiyan pa ba sila? Ay naku! mga kaibigan hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo? O sadyang wala na kayong kahihihiyan at di makagawa ng paraan sa buhay nyo? Naaatim nyong ipakain sa pamilya nyo ang bunga ng pagpapahamak nyo? Sana naman maging makatao kayo. Mag-isip kayo hangagang hindi pa huli ang lahat! Makisama kayo sa tunay at matuwid na nakakarami. Siguro nga hindi na kayo makalalabas sa palda ng pinagtataguan nyo dahil lagi nyong iniisip na hindi kayo mabubuhay ng wala siya. Tsk! Tsk! kawawa naman kayo. Asan na kaya ang mga kasama ko nalalamn nyo ba? Alam ko nasa higit na magandang kalagayan na sila ngayon. Hindi ba kayo nagsisisi? Siguro kung sinimulan nyo ng maaga naroon na rin kayo. May oras pa. . . hahantayin mo pa bang tuluyang kayong tumanda at mapag-iwanan ng panahon? Huwag na sana. . kumilos na. May magagawa ka! Sabagay malapit na malapit na. Sa ayaw at sa gusto nyo talagang mapipilitan kayong lisanin ang kinalalagyan nyo. Totoo nga na ang lahat ng bagay ay may katapusan . mabuti man o masama. Pero ang kabutihan kahit magwakas ang sarap alalahanin at balik-balikan. Huwag kayong malungkot at matakot dahil higit na makabubuti sa inyo. Ayaw nyo bang magbago ang buhay nyo upang umasenso? Huwag kayong magagalit sa akin ha? Concern lang naman ako sa inyo eh! Hindi ba matagal din naman ang mga pinagsamahan natin ? Alam ko namang wala akong masamang tinapay sa inyo at pinilit kong makisama ng buong husay.Nakita nyo naman kahit sa blog na ito naalala ko kayo. Kahit nuong kailangang- kailan ko kayo . . .ay tinalikuran nyo lahat ako. Sabagay ang tao, minsan naduduwag sa sarili nyang kahinaan at pangangailangan. Naiintindihan ko naman kayo, kahit papaano namimiss ko rin kayo. Huwag kayong mag-alala di masama loob ko dahil sa pag-iwas nyo lalo nyo kong pinalakas at pinatatag. Naaalala nyo? Nakipaglaban ako. Kahit mag-isa binangga ko ang pader na di pa nagawang banggain ng sinoman sa atin. Hindi ako nagmamayabang, sana tignan na lang itong nangyari sa akin bilang isang magandang halimbawa na dapat kapulutan ng aral. Huwag matakot kanino man lalo na kung nasa tama at katuwiran. Hindi naman ako nabigo sa ginawa ko dahil alam ko na alam nyo kinatigan ako ng tadhana dahil nasa matuwid ang ipinaglaban ko. Wala na yun, past is past.Pero huwag nyong isiping pinahihina ko mga kalooban nyo. Gusto ko lang sabihin ang katotohan hanggan di pa huli ang lahat. Bago mapunta sa wala ang mga panahon ninyong lumipas.

Isa lang naman ang may kasalanan nito hindi ba? Uy IKAW! Oo ikaw nga! nababasa mo ba ito ito day? Ikaw ata ang may kasalanan ng lahat ng ito e? Hay naku, nagkakasala na naman ako ng dahil sa iyo..LORD patawarin NINYO po ako … pero hindi ko po talaga mapigilang masuka sa tuwing naiisip ko siya.

PHWE! NIX taym mageng gud kana nga DAY. . . para naman maganda ang naeesep ku kung papasok ka sa alala ku. . . Huwag kang mag-alala matagal na kitang pinatawad. . .



If you forgive those who sin against you, your heavenly Father will forgive you. But if you refuse to forgive others, your Father will not forgive your sins.
Matthew 6:14-15

Stronger Than Impressions