Friday, June 8, 2007

HENRY SAYS . . . "SA 'PINAS LANG MERON NYAN!"

Tama ka klasmeyt sa Pinas nga lang may pandesal but do you know that this bread has similarities with “pan de agua” of Dominican Republic and “ bollilos” of Mexico for the reason that these breads use a lean type of dough and the process of making is the same? The only difference is how people eat these types of bread. Yung “pan de agua” at “bollilos” pinapalamanan at kinakain lang, nothing more. Ibang klase ang pandesal natin, san ka ba naman nakakita ng tinapay na hinuhugasan sa kape o tsokolate then iinumin ang pinagsawsawan? Iba't-ibang experiments na din when it comes to palaman ang naimbeto natin sa pandesal: dirty ice cream, tortang talong, tuyo, bagoong at marami pang iba. The funniest of all the spreads na naibento sa pandesal ay ang sinangag na kanin! Imagine pandesal pinalamanan ng friedrice? Hahahahahah!

Where else do you see people selling different goods in the street all in just a single traffic stop? Itlog ng pugo, chicharon, mineral water, salted peanuts and kasoy, cigarettes and candies, green mangoes with bagoong, roses and sampaguita, vendors would quibble and sell these goods on the street . Some kids would jump into the jeepney you are riding on and try to clean each passengers' slippers and shoes ( without really cleaning it) and end up begging for coins?

Jeepney? Only in the Philippines yan! But I understand, some years back we began exporting this Pinoy ingenuity . In Papua New Guinea we have already exported about 4,000 units with Guam, India and Vietnam as the next export target. Ang galing ano? Ang “Hari ng Lansangan” natin humaharurot na rin sa mga hi-ways ng ibang bayan! Masarap sakyan ang jeep kasi kaysa sa kalesa, pedicab, o trycicle mas matipid at marami kang pang mararanasan kakaiba kapag nakasakay ka dito. Inside the jeep you can see the many types of moods and characters of every passengers. PARA ang kadalasang sinasabi pag bababa na ang pasahero. Yung iba tinutuktok ang kisame ng sasakyan o di kaya sumusipol o sumisitsit. Meron din naming mas hi-tech ang dating - yung “HATAK mo HINTO ko”.Ingat lang at alerto kapag ikaw ay nakasakay dito baka pag baba mo wala na ang hikaw, kwintas o relo mo. Pero ang pinakamaganda pag nakasakay ka ng jeep lahat ay willing umabot ng pamasahe sa pasaherong nagbabayad na nasa dulo ng upuan.

At bakit tayong mga Pinoy ang hilig-hilig magdugtong ng kung anu-ano sa ating mga pangalan o sa pangalan ng mga kakilala natin? Kadalasan hayop o bagay ang ikinakabit natin sa mga ito tulad ng: Nardong Putik, Totoy Balisong, Ben Ulo,Nelson Ahas, Eddie Buwaya o Jojo Kabayo (baka mukhang mga hayop kaya ganito ang tawag sa kanila? hahahaha!) Sabagay maraming kakaibang hayop sa atin tulad ng tarsier, butanding (whale shark), tamaraw, Philippine phyton, mouse dear, monkey eating eagle at buwaya ! (oo buwaya marami tayo dito lalo na sa Manila(Zoo)!) Another one is repeating names. This is another innovation here in the Philippines, siguro sa dami ng anak nahihirapan ng mag-isip si nanay at si tatay ng ipapangalan kay baby kaya inuulit na lang , kagaya ng Jek-Jek, Ton-ton, Pong-pong, Den-den, Jem-Jem, Ten-Ten. Yung iba “ door bell” at “busina” sounding pa like Kring-Kring, Ting-Ting, Ding-Dong, Boom-Boom o Pot-pot. Ano bayan!?? Hahahahaha! Sabagay, tayong mga Pinoy mahilig gumawa ng katatawanan dahil masayahin daw tayong tao.Kaya nga sa kabila ng krisis at problema ay napakarami pa rin nating celebrations and festivities at ang pinakapatok dito ay ang Pasko at Bagong Taon. Kaya lang yung mga seryosong events kadalasan hinhaluan pa nating ng kalokohan at kasiyahan. Tulad na lang ng All Saints Day, lamay ng patay, Semana Santa, Misa de Galo at marami pang iba. Tuwing Semana Santa after ng mga pabasa, crucifixions at flagellations balik sa dating gawi ang mga namanata. Nakapwesto na sa kanto at tambayan at umiinom ng basi, tuba, gin, emperador o SMB. Me sasarap pa ba (daw)sa inuman kung may pulutan kang sisig, crispy pata, kilawing kambing, papaitan, chicarong baboy o asusenang aso? Hindi ko naman nilalahat yung iba naman ay talagang nagsisisi at nagbabago at hindi pakitang-tao. Tuwing simbang gabi naman imbes na makinig sa misa si binata itinatanan ang dalagang kasintahan. At saan ka naman nakakita ng All-Saints Day celebration at lamay ng patay na may karaoke at sugal? Speaking of sugal ano ang sinabi ng Reno at Las Vegas sa atin? Kung meron silang slot machines, poker at baccarat meron naman tayong sabong, sakla, pusoy, tong-its, jueteng, kara y krus, palmo, masiao ending at kotong!

Flores de Mayo? Wala sa iba nyan dito lang yan! More than just a show of prettiest ladies and most beautiful gowns, this one has a religious fundamentals, a medley of St. Helena and Constantine search for the Holy Cross that wholly blends devotion, spectacle and worship. Kung nakakaaliw panoorin ang magagandang babaeng sagala mas lalo na siguro yung sagala ng mga matatanda at bakla! Hahahaha!

At eto pa, where else in the world , of all the things, do all people of all walks of life have one thing in common? Sirit na? Ano pa e di cellphone! Almost everyone here owns a mobilephone. No! we seldom use it for voice talk but rather for 2 way text messaging. Kaya nga text capital of the world tayo e! Who knows baka sa mga darating na panahon meron na ring “cancer of the thumb” sa ‘Pinas dahil sa addiction natin sa texting.

The most fascinating and admirable custom of Pinoy is none other that our hospitality. Kaya nga kahit delikado sa atin at infested tayo ng iba-ibang gang at terrorista tulad ng ativan gang, budol-budol, akyat bahay gang, salisi gang, bading gang, abu sayyaf o mga spooky and grotesque creatures like multo, kapre, tikbalang, manananggal, dwende, tiktik plus mga nagrarambulang politiko sa kongreso at senado visitors keep coming back to our place. Our cordial and generous reception to our 'bisitas' is indeed one of a kind. Traveling here means more of building rapport between us and our visitors. Ang ‘Pinas kasi is just like a huge auditorium for tourists who like to watch different shows and festivities. Dinarayo ang ating Moriones at Ati-atihan ng Aklan, Sinulog ng Cebu, Pahiyas ng Quezon, Pintados ng Tacloban, Kadayawan in Davao and many to mention. Ang pagkain natin di hamak na mas masarap at malinamnam kaysa sa iba kagaya ng lechon kawali, pinakbet, la paz bachoy, laing, bulalo , sinigang at mga exotic food kagaya ng balot, isaw, adidas, one-day old, puma, betamax, etc. etc. Isa pang binabalik-balikan sa atin ay ang ating mga beaches. With our 7,107 islands and a coastline twice the length of that of the USA, the Philippines can claim to be Asian Beach Capital. Nakapunta na ba kayo sa Bora, Dakak, El Nido, Siargao, Camiguin at Pagudpud?

Klasmeyt Henry, it makes me smile to think all of these things….. hindi lang pala pandesal ang only in the Philippines, napakarami pang ibang bagay. Nakakatuwa, nakakahiya, kamangha-mangha o kahanga-hanga. Sana lang lang iwaksi na natin ang mali at hindi tama at pagyamanin at panatilihin ang mabuti at maganda.Pilitin nating maging tulad ni Manny Pacquiao, Paeng Nepomuceno, Leah Salonga, Efren Bata Reyes, Django Bustamante o ni Erwin Evangelista ng huwag mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Rizal, Bonifacio, Mabini , Ninoy at ng iba pang bayani ng bansa. Kahit nasan man tayo, dito o sa kabilang ibayo, iwasan na lang nating dumura sa lansangan o umihi sa pader at kung saan-saan, but never forget na ipagmalaki natin - - we belong to Philippine species.

Stronger Than Impressions