Sunday, June 3, 2007

PAMBANSANG TINAPAY

Kailan ba ako huling nakatikim ng pandesal? Ang tagal na. . . I make sure to have heavy breakfast meal everyday because I often eat my lunch late due to my busy work loads. Usually rice or friedrice and ulam of course ang laging inihahain sa akin ni Kumander tuwing umaga. Kaya nawala na sa breakfast menu namin ang pandesal. One time (and that was the only time again) I bought pandesal from a nearby panaderya . . . Nagulat ako! Sus! ang liliit na pala ng pandesal ngayon! Halos malaki-laki lang ng di hamak sa mga tig-lilimang pisong baryang ibinayad ko sa tindera! Kawawa naman itong tinapay na ito! Dahil sa hirap ng buhay nating mga Pinoy pati pandesal nag-aadjust para sa atin. Although the pandesal underwent various transformations from its flavors, size and contents, still it’s a big part of Pinoy traditional breakfast. It crosses economic status, kahit sa mahirap o mayamang hapag kainan makikita natin ito. Sa mga poor at medyo limitado ang budget yung tig-mamamiso o tigdadalawang piso ( kung kaya pa ng bulsa) ang binibili nila, then they will have peanut butter, matamis na bao (latik) keso o mantikilya o kung wala ipalalaman isawsaw lang sa mainit na kape o tsokolate ayos na rin. While sa mga can afford and rich naman, they buy the more expensive one usually from bigger panaderya ( Pugon, Pan De Manila ,etc. )or bakeshops from malls. Tapos papalamanan nila ng salami, bacon, ham, jelly, kesong puti etc., etc. . . Kahit ano pa ang ipalaman natin dito at pagbalig-baligtarin man natin - - - pandesal pa rin yan. Just like rice, (our staple food) ganito ka versatile ang tinapay na pandesal kaya gustung-gusto natin ito! Sa agahan, meryenda o kahit pa sa hapunan andiyan ang pandesal sa ating hapag-kainan. It’s a part of our childhood, parenthood and Pinoy culture . Hay… pandesal . . . . ilang kumakalam na sikmura ba ang binubusog mo araw-araw? Ilang na ba ang biniyayaan mo ng hanapbuhay? Ilang mga bata naba ang pinalaki mo at palalakihin pa? Kahit ganyan ka. . . pahiran lang ng mantikilya mas masarap pa (daw) sa pizza. Kung may pambansang tinapay lang, hindi ba ikaw ang dapat, pandesal?

Stronger Than Impressions