Bago nagpaalam ang babae ay kinausap pa ang baliw na huwag huhubarin ang kanyang isinuot na T-shirt at sabay inabot ang mga barya at nakalamukos na pera sa kanyang kamay. Umalis na ang babae patungo sa MRT Station at duon ay may nadaanan siyang mga nagtitinda ng panty at mga tsinelas sa bangketa. Naalala niya ang iniwan na baliw at dali-daling bumili ng tatlong pirasong panty at isang pares ng tsinelas at mabilis na binalikan ang karinderiya. Wala na ito ng siya ay makarating duon at itinuro na lamang ng tindera kung saang direksiyon ito patungo. Nakita niya ang baliw na naglalakad sa hi-way medyo may kalayuan na din, kaya siya ay dali-daling pumara ng bus at sumakay. Ng maabutan niya ito ay hinatak sa likod ng poste at isinuot ang panty at tsinelas. “ Nasaan ba kasi ang mga damit mo?” sabi ng babae “Tinapon ko kasi madumi na” sabi ng baliw. "Alam mo ba na nakahubad ka kanina?" “ Hindi” Tugon naman ng baliw.. "Bakit ka ba napadpad sa Forbes Park?” tanong ng babae “ Hinahanap ko ang kapatid ko sa Binangonan” sagot ng baliw. "O sige huwag mo ng huhubarin lahat ng isinuot ko sa iyo ha?" Hindi na muling sumagot ang baliw.
Kinawayan ng babae ang ang paparating na bus. Inakay ang baliw at sabay na sumampa sa estribo. Kinausap niya ang driver at kunduktor habang nakatingin lahat ng mga pasahero sa kanila. “Mama pakibaba nyo lang po itong babae sa Crossing pakituro na lang po ang sakayan papunta Binangonan at ito po ang bayad. ". "Ate salamat” ang mahinang usal ng baliw. Ngumiti ang babae , bumaba na ng sasakyan at sinundan ng tingin ang papalayong bus. Kinagabihan, bumisita ang babae sa kanyang mga apo at ikinuwento sa anak ang nagyari. “ Si Mama, hindi ka ba natakot kung ano ang gagawin sa iyo nuong babae ng lapitan mo?” tanong ng anak. “ Hindi!” Mariin na sagot ng nanay. “ Hindi ko maatim na makita ko ang isang babae na ganuon ang kalagayan, kahit pa nga sabihin mong wala siya sa katinuan”. Ikinuwento ng anak sa kanyang asawa ang nangyari . . .
Mahigit 20 taon na kaming nagsasama ng aking may-bahay at sa awa ng Diyos bagaman paminsan minsan ay may alitan at di pagkakaunawaan ay napapanatili pa rin naming matatag ang aming pagsasama. Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagiging matatag ang ang aming relasyon ay magandang samahan namin ng aking biyenan.. Karamihan sa pagsasama, ang mga biyenan ang itinuturing na kontrabida ng buhay may asawa at kadalasan ay nagiging sanhi pa nga sila ng paghihiwalay . . Maniniwala ba kayo na sa loob ng mahabang panahon ng aming pagsasama ni Eva ay wala pa kaming hindi napagkasunduan ng aking biyenan? Isa siguro ako sa may pinakamabait , pinakamaunawain at pinaka- supportive na biyenan. Nabasa ninyo bang mabuti ang aking kwento? Sasabihin n'yo bang di ako masuwerte? Ganito ba kabait ang biyenan n'yo?
4 comments:
Totoo nga siguro na sa iba ang hindi magkasundo ang biyanan at manugang. Ako rin siguro sinuwerte sa biyanan. Kung naalala nyo ang tv siries na jhon at marsha. Ang konrabida sa palabas aY ANG BIYANAN. Ang punch line ni deli atayatayan ay " Kaya ikaw jhon magsumikap ka para ang pamilya mo ay guminhawa!" Sa tingin ko lahat ng biyanan protective lang sa sa mga anak kasi hindi nila ma feel ang safety ng kanilang anak lalo na sa food, clothing and shelter. Kasi noong hindi pako christyano feel ko at isa sa hindrance ko mag asawa ay ang mga biyanang pakialamero. Pero ng ako ay kay kristo na, At isa sa biyaya sa akin ng Dios ay Binigyan nya ako ng biyanang mabait at suportive. Kaya mabuhay ka tatay hesus at nanay goring!!!
bro I made some changes. pls check it again hehehe. ginawa ko yon non bago pa lang profile ko. Pang start ng conversation sa mga tsiks,hehehe.
BTW maswerte ka ako yon biyenan ko lang lalake mabait at masuporta. Dapat mga inlaws tiga suporta at gabay. Anyway, ganon talaga mas mabuti na yon umuunawa kaysa inuunawa.
God Bless!
Hi, bro! You can never stop from writing. A writer is always a writer. Madami kang napapasayang tao sa pagsusulat mo at isa na po ako doon. Everytime I read ur articles it seems I had a renewed strength. Sometimes, I feel hopeless and helpless and so down, I just read ur articles and I find hope and peace sa mga sinusulat mo. Di ko nga alam saan nanggagaling mga ideas mo but it is simply amazing and it helps me a lot really. Kaya pls lang pwede dont stop from writing-- how i wish nuon ko pa alam ang blog mo, di sana ang tagal nang fan mo ako. Sabagay non pa mang highschool tau alam ko nang magaling ka at alam kong malau mararting mo.
Nga pala, I am trying to contact other ka batckada natin kasi the more the merrier di ba?
Cge, bro. kitakits! God bless!
Hi, bro! I finally got the chance to visit and check ur blog and as usual I enjoyed reading your well-written articles. na touched ako don sa story ng mom-in-law mo. What a great deed. She definitely had stored treasure in heaven. Dami ko na naman natutunan. Nag register na din ako sa attendance para sa alumni homecoming natin. I'm kinda excited kaya lang karamihan naman puro section 1 eh, asan na ang iba? Sana makauwi sila beth at jackie no. And I am hoping na kundi man 100% attendance at least close to it pra masaya.
> >
> > Paano kitakits sa Dec. 27. Kudos sa mga articles mo sa blog. Keep it up, bro! God bless you and your family.
> >
Post a Comment