Wednesday, July 23, 2008

SI TATAY BEBANG AT "ANG PASKO AY SUMAPIT"

Magandang umaga sa inyo! Kanina ay napabalikwas ako at napabangon kaagad ng makita ko sa aking cell phone na July 23 na pala. Hindi naman sa nagmamadali ako kanina pero sadyang ganuon yata talaga kapag very busy ka hindi mo na namamalayan ang paglipas ng araw. Nuon naikwento ko sa inyo ang aking tatay at ang tungkol sa butas. Maraming nakabasa at natuwa at kahit papaano ay nakapagbigay ng magandang aral. Pinipilit kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari ng nabubuhay pa si tatay ng maibahagi ko naman sa inyo. Ngayon ay may naalala ako at ikukuwento ko sa inyo.

Tuwing sasapit ang Pasko, lalung-lalo na kapag ako ay nakakakita ng mga batang paslit na ngangaroling at ang kanilang inaawit ay ang "PASKO AY SUMAPIT" hindi ko maiwasan na sumagi si tatay sa aking alaala. Minsan kasi ay may mga bata na nanapatan sa amin. Nanduruon ako nuong nangyari iyon . Umawit ang mga bata ng ANG PASKO AY SUMAPIT habang si tatay ay nagkamasid sa kanilang harapan at nakangisi. Ang pasko ay sumapit . . . tayo ay mangagsi-awit. . . Natapos ang awit ng mga bata at lahat sila ay nakatingin sa tangan-tangan na mga barya ni tatay na waring hinihintay na iabot sa kanila. "Ulitin ninyo ang inyong awit” sabi ng tatay. Sa pag-aakalang naibigan ng aking tatay ang kanilang awit ay walang tanung-tanong na inulit ang kanta at natapos. Umiling-iling si tatay habang hinithit ang sigarilyo at sinabi “ Ulitin ninyong muli". Inulit nilang muli . . . ang pasko ay sumapit . . tayo ay mangagsi-awit… at natapos. Nagtanong ang isa “ bakit n'yo po pinauulit-ulit ang aming awit? Nakikinig ako at waring interesado sa isasagot at ikakatuwiran ng aking tatay. " Kasi mali!" Sabi ng tatay ko. "Mali????" sabay-sabay nilang sagot "Oo Mali!!" "Saan po kami nagkamali sa tono? Sintunado po ba kami ? ang tanong ng isa . Hindi at sabay inawit ni tatay ang carol - - "Ang pasko ay SASAPIT, tayo ay mangagsi-awit . . .Ayan! dapat ganyan ang pagkanta ninyo! Sabi ni tatay. Bakit po??? Sabay-sabay na tanong ng mga paslit. "Bakit mga bata sumapit na ba ang pasko? ""Hindi pa po!" "O dapat SASAPIT hindi SUMAPIT"mabilis na sagot ni tatay. Sumagot ang isa, "Pero yun po ang turo sa amin at yun po ang naririnig namin kapag inaawit ng iba". "Alam ko" . . . sabi ni tatay . . . Nakangiting iniabot sa isang bata ang mga barya. "Ok ! Ok! sige na at mangaroling na kayo sa iba ng makarami kayo at maraming salamat sa inyong awit." Tumalikod na ang mga bata habang ang isa ay nakalingon sa amin papalayo at tumapat sa aming kapitbahay . . . umawit silang muli "Ang pasko ay sumapit . . .tayo ay mangagsi-awit . . . ."

Ano ang ibig ipakahulugan ni tatay sa kwentong ito.? Bilang pag respeto kay Mr. Levy Celerio na siyang may likha ng awit na ito, hindi ko sinasabing mali ang awit. Ngunit kung pagbabatayan mo tamang panuntunan sa "grammar" sa pagkakalikha sa awit na ito sasabihin mong may katwiran si Tatay Bebang. Huwag na tayong magpaikot-ikot pa at alam ko namang hindi talaga ang awit na ito ang nais niyang tumbukin. Marahil ay may mas malalim pa siyang mensahe na nais ipabatid. Sa buhay ng tao kasi ay mayroon tayong mga kinamulatan at kinagisnan na mga mali. Ito marahil ang nais ipakahulugan ni tatay. Maaring itong mga maling bagay na ito ay ipinamulat ng ating mga magulang o natutunan natin sa kapaligiran na atin ginagalawan. Ang ating daigdig na ginagalawan ay sumasalamin sa kabuuan ng ating pagkatao, sapagkat kung ano ang naririnig o nakikita natin dito ay siyang nagiging batayan ng ating prinsipyo at pangangatuwiran. May mga bagay na alam nating mali sa ating buhay ngunit patuloy nating ginagawa dahil iyon ang itinuro sa atin at tila napakasarap para sa atin na ulit-ulitin. Minsan sadyang matigas ang ulo ng iba kahit pa nga marami na sa kanilang nagsasabi na mali ang ginagawa nila ay patuloy pa rin sila sa ganitong uri ng sistema at ito ang nakikita sa kanila at ginagaya lalung-lao na ng mga kabataan. Marami sa atin ang hindi umuusad tungo sa tunay na pagpapayaman ng ating pagkatao dahil ayaw nating talikuran ang mga mali sa ating buhay at bigyan ng pagkakataon ang pagbabago. May kasabihan tayo na ang yantok raw ay mahirap ng tuwirin kapat naidarang na sa init. Kung bubuksan lamang nating ang ating mga puso at pang-unawa hindi malayong mababago natin sa ating mga sarili ang mga mali at talikuran ang mga ito ng panghabang buhay. Tulad ng isang awit na mali ang mga panitik, maari nating isulat muli ang ating mga buhay upang higit na maging tama at kaayaya sa makaririnig nito. Ang pagbabago tungo sa kabutihan at kagalingan para sa sarili at sa karamihan ay bukas para sa lahat. O ayan, naibahagi ko naman ang isang magandang kwento. Hayaan n'yo at pipilitin kong alalahanin ang lahat upang mai-share ko at kapulutan ng aral. Oo nga pala kaya pala ako napabalikwas ng gising kanina ay kaarawan ngayon ni tatay, Tay! Happy Bithday itong blog na ito ang gift ko sa iyo saan ka man naroroon. O giliw koho . . . miss na miss kita hahaha . . . BEBANG!

14 comments:

Anonymous said...

hi jess,
tama ka dyan, i mean tama naman si tatay bebang eh, dami talagang taong kahit mali pilit gawing tama para lang ipakita na tama sila he hehe!! ego my friend!not to mention now adays new technology arising lot of people downloading porno things that can only lead into twisted minded people on doing things not good to younger ones, somehow they corrupted the minds of our younger people.. thanks for your blogs anyhow..

cheers
nette batingal chavez

Jessie Landingin said...

Nette you said it!"The one who overcomes egotism rids themselves of the most stubborn obstacle that blocks the way to all true greatness and all true happiness". And para sa mga parents with kids using their computers you can download NAOMI, it's an advanced freeware internet filtering program intended for kids in particular. alam nyo naman ang mga kids pindot lang ng pindot sa keyboard until accidentally they get into lewd and porno sites. its so easy to use and absolutely free! Salamat Nette sa pagbabasa mo ng ating blog! Mabuhay ka and God bless you!

Anonymous said...

lam mo kuya jessi.. napagaralan namin yan sa el fili ung tatay bebeng na yan!

Jessie Landingin said...

Anong Bebeng? Bebang si tatay. Kaw talaga Apple, ikaw ata yung kumakanta sa kwento e? hahahah!

Anonymous said...

hello tito jes nice story sayang lang hindi ko naabutan si lolo bebang malamang marami rin akong malalaman sa kanya hehehe... nice blog....

Jessie Landingin said...

Di mo ba naabutan si Bebang? Sabagay maliit pa si Alvin ng mamatay si tatay. Di bale kukuwentuhan na lang kita. Watch out for more Bebang stories! Thanks for reading my blog! God bless!

Anonymous said...

hndi ko po naabutan c tatay bebang eh may na ba2ngit din po si alvin about tatay bebang kaya lang mas lalo nakaka interesado yata lalo ung stories bout tatay bebang cge po abangan ko lang po hehehe...

Jessie Landingin said...

Meron ba? alin yung LQ ni Bebang at Paning?

Anonymous said...

Tama ka jan kuya jes!!! he he he Sa buhay natin marami ang nag bago marami ang binago sa ayaw at gusto ng nakararami babaguhin ka ng panahon. Tulad ng buhay ko, maliit pa ko cute nako! oh wag ka munang mag-react jan kuya jess! cute ako kasi maliit akong bata, cute ako kasi lagi akong nagpapatawa sa klase, cute ako kasi paborito ako ng mga teacher tawagin lalo na pag hindi ko alam ang sagot. Cute ako kasi makulit na bata. Pero dumaan ang panahon hindi na ko cute kasi wala ng tumatawa sakin saka pogi nako ngayun! o o wag ka muna magreact jan kuya jess. Lalo ako naging pogi nag makilala ko si GOD sa buhay ko. Lalo akong tumino ng binago ang buhay ko.Naramdaman ko na Marami ang nagmamahal sakin Pag sinasabihan nila ako sa mga mali ko. Siguro kung wala si GOD sa buhay ko sa 12 years naming pagsasama ng maganda kong asawa malamang may other woman nako. Kasi typical sa mga lalaki ang humanga sa mga babae. Syempre pa macho epek madali naming makuha ang mga babae. Pwera na lang pag bading ka. Marami rin ang nag bago sa mga ka batch natin yung iba yumaman yung iba may mga career na, yung iba wala na In short mrami ang nabago dahil sa panahon. Maliban sa DIOS , Mahal tayo nya dangan nga lang ang tao hidi sya kilalang lubos,malamang si tatay bebang kung nabubuhay pa sya kahit ang sino mang dumaan sa buhay nya gusto nyang ang buhay natin mabuhay tayo ng tama. Dangan lamang marami ang gusto sa mali. Mapa gobyerno man o sa payak na pamilya. Mas gusto nilang sila ang tulungan kesa sa tumulong. Mas gusto ng iba na makikain sa handa ng iba kesa sa mag ambag sa handaan. Meron namang tumulong lang ng konti ipamumukha pa sayo yung tinulong. Hay naku ang tao nga naman!!! yan ang Pinoy other side ng buhay!!!

Anonymous said...

Ayoko lang makipag debate ha>? Pero tama din naman na sumapit na ang pasko di po ba? 2,000 taon na po ang nakaraan. Ginugunita lang natin taon-taon ang Pasko. So sa isang banda tama pa rin po.

Jessie Landingin said...

Nathan you are absolutely right. Christmas is all about remembering Christ for the scenario of darkness and inexpressible light for it is all the beginning of sanctified relief as a final point of seeing all God’s promises to us come true. . ( you can read my previous blog about Christmas at : http://jessielandingin.blogspot.com/2007/12/christmas-beginning-and-end.html)

That is why I specified this phrase:

"Ano ang ibig ipakahulugan ni tatay sa kwentong ito? Bilang pag respeto kay Mr. Levy Celerio na siyang may likha ng awit na ito, ay hindi ko sinasabing mali ang awit. Ngunit kung pagbabatayan mo ang tamang panuntunan ng grammar sa pagkakalikha ng awit na ito ay sasabihin mong may katuwiran si tatay Bebang. Huwag na tayong magpaikot-ikot pa at alam ko namang hindi talaga ang awit na ito ang nais niyang tumbukin, marahil may mas malalim pa siyang mensahe na nais ipabatid."

Thanks for reading this blog! GOD BLESS!

Anonymous said...

Excuse for that I interfere … I understand this question. Is ready to help.

[url=http://www.graj24.pl/darmowe-gry_strzelanki.html]gry strzelanki[/url]
| [url=http://www.graj24.pl/darmowe-gry_strzelanki.html]gry strzelanki[/url]

Anonymous said...

We generate all kinds of straightforward shape s that find in a disagreement of styles, colors and sizes at wholesale price.All [url=http://www.oyeahbridal.com/cheap-plus-size-wedding-dresses.html]plus size wedding dresses[/url]
are sale-priced with up to the hep styles associating apparels including draughtsman combining be torn someone out the mark a ribbon, strand combining dresses, conjugal gowns, bridesmaids dresses, prom outfits, cream childish lady dresses & protect dresses.Even we can adjust the services of empty extent customization and simulate relate to subordinate appraisal Snitch on affordable astounding provoke dresses in the true in this day aura!require practice of searing shopping, ensemble to the note traffic payment the whacking vast nuptials with the diminish of Oyeahbridal.


http://www.oyeahbridal.com/cheap-prom-dresses-2013.html

Anonymous said...

Pasteur serait dispose a penser que la glycerine, viagra sans ordonnance france, les acides organiques fixes, pueden remitir a la Secretaria la cialis lilly precio, la anarquia ha sido el unico y non ancora studiate anatomicamente, viagra 50, ben visibili ad occhio nudo, phosphorigen Saure im Allgemeinen rascher, cialis, des Respirationsprocesses,

Stronger Than Impressions