Sunday, June 29, 2008

ATTAINED!

When Gabriel Flash Elorde defied fellow Hall of Famer Carlos Ortiz in 1964 and 1966 for his lightweight world title he was stopped both times by the latter in the 14th round. 40 years has gone by since Elorde missed the mark of outspreading his boxing kingdom , Randy Suico took a crack to become the First Filipino lightweight world champion by challenging unconquered WBA lightweight title holder Juan Diaz. Referee Joe Cortez made his mind up to end the bout after Suico had enough in the 9th round. In Mandalay Bay, history was unsuccessful to replicate itself when Manny Pacquiao became the first ever Filipino boxer to catch the lightweight title by knocking out Dangerous David Diaz with a blitzkrieg left cross to the jawbone in the 9th . The bout which many people thought as a "No-Match" fight for Pacquiao against the former Champion Diaz, interspersed added piquancy to his many boxing accolades. Pacquiao unify himself with the lofty and glorious list of quadruple boxing champions of the world in the persons of: Thomas " The Hitman" Hearns, Sugar Ray Leonard, Roberto Duran, Pernell Whitaker, Oscar dela Hoya, Leo Gamez, Roy Jones , Jr. and Floyd Mayweather, Jr. He made a momentous achievement by becoming the first Filipino and Asian Boxer to dominate such feat and recognition. Mabuhay ka Manny!

Wednesday, June 25, 2008

ANG BABAE AT ANG BALIW

Isang babaeng baliw, ang pinagtitinginan ng tao, malapit sa isang guard house sa Forbes Park. Madungis, nakahubad at wala sa katinuan. Maya-maya, isang babae ang dumating sa lugar. Kinausap ang isa sa mga guwardiya. “ Boss, wala ba kayong lumang T-shirt diyan na hindi na gingamit? “ “Mam, wala na po eh”, sagot ng isang guwardiya.” Baka Mam sa guard office mayroon”. Pumunta ang babae ngunit wala rin nakuha at bumalik sa guard house. “ Hindi ba tayo pwedeng humingi diyan sa katapat na bahay maski luma?” Tumalilis ang isa at pagbalik ay may daladala ng 2 pirasong lumang T-shirt, ibinigay sa kasama at akmang ibabato sa babaeng nakahubad. Pinigil siya ng babae at kinuha ang kamiseta sa kanyang mga kamay at lumapit ng walang takot at binihisan ang nakahubad na babae. Nakatingin ang mga tao at lalong dumami ang nag-uusyoso. Tamang tama lamang ang T-shirt na isinuot para matakpan ang kanyang kaselanan. “ Ate pahingi ng kanin” ang wika ng baliw. Iniisip ng babae na nagugutom ito kaya inakay niya at isinama sa malapit na karinderiya upang pakainin. Nagmamadaling nagtayuan ang mga katabi, halatang nandidiri sa kararating pa lamang na baliw. Ng dumating na ang pagkain sinabihan ito ng babae na maghugas muna ng kamay. Sagot ng baliw “ Hindi na ate magtitinidor at kutsara na lang ako” bahagyang nangiti ang babae sa kanyang isinagot. Nagkatinginan ang nasa paligid ng mag-sign of the cross ito at umusal ng maikling panalangin bago sinumulan ang pagkain.

Bago nagpaalam ang babae ay kinausap pa ang baliw na huwag huhubarin ang kanyang isinuot na T-shirt at sabay inabot ang mga barya at nakalamukos na pera sa kanyang kamay. Umalis na ang babae patungo sa MRT Station at duon ay may nadaanan siyang mga nagtitinda ng panty at mga tsinelas sa bangketa. Naalala niya ang iniwan na baliw at dali-daling bumili ng tatlong pirasong panty at isang pares ng tsinelas at mabilis na binalikan ang karinderiya. Wala na ito ng siya ay makarating duon at itinuro na lamang ng tindera kung saang direksiyon ito patungo. Nakita niya ang baliw na naglalakad sa hi-way medyo may kalayuan na din, kaya siya ay dali-daling pumara ng bus at sumakay. Ng maabutan niya ito ay hinatak sa likod ng poste at isinuot ang panty at tsinelas. “ Nasaan ba kasi ang mga damit mo?” sabi ng babae “Tinapon ko kasi madumi na” sabi ng baliw. "Alam mo ba na nakahubad ka kanina?" “ Hindi” Tugon naman ng baliw.. "Bakit ka ba napadpad sa Forbes Park?” tanong ng babae “ Hinahanap ko ang kapatid ko sa Binangonan” sagot ng baliw. "O sige huwag mo ng huhubarin lahat ng isinuot ko sa iyo ha?" Hindi na muling sumagot ang baliw.

Kinawayan ng babae ang ang paparating na bus. Inakay ang baliw at sabay na sumampa sa estribo. Kinausap niya ang driver at kunduktor habang nakatingin lahat ng mga pasahero sa kanila. Mama pakibaba nyo lang po itong babae sa Crossing pakituro na lang po ang sakayan papunta Binangonan at ito po ang bayad. ". "Ate salamat” ang mahinang usal ng baliw. Ngumiti ang babae , bumaba na ng sasakyan at sinundan ng tingin ang papalayong bus. Kinagabihan, bumisita ang babae sa kanyang mga apo at ikinuwento sa anak ang nagyari. “ Si Mama, hindi ka ba natakot kung ano ang gagawin sa iyo nuong babae ng lapitan mo?” tanong ng anak. “ Hindi!” Mariin na sagot ng nanay. “ Hindi ko maatim na makita ko ang isang babae na ganuon ang kalagayan, kahit pa nga sabihin mong wala siya sa katinuan”. Ikinuwento ng anak sa kanyang asawa ang nangyari . . .

Mahigit 20 taon na kaming nagsasama ng aking may-bahay at sa awa ng Diyos bagaman paminsan minsan ay may alitan at di pagkakaunawaan ay napapanatili pa rin naming matatag ang aming pagsasama. Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagiging matatag ang ang aming relasyon ay magandang samahan namin ng aking biyenan.. Karamihan sa pagsasama, ang mga biyenan ang itinuturing na kontrabida ng buhay may asawa at kadalasan ay nagiging sanhi pa nga sila ng paghihiwalay . . Maniniwala ba kayo na sa loob ng mahabang panahon ng aming pagsasama ni Eva ay wala pa kaming hindi napagkasunduan ng aking biyenan? Isa siguro ako sa may pinakamabait , pinakamaunawain at pinaka- supportive na biyenan. Nabasa ninyo bang mabuti ang aking kwento? Sasabihin n'yo bang di ako masuwerte? Ganito ba kabait ang biyenan n'yo?


Friday, June 20, 2008

DRAW THE LINE: "No Story Is Worth Dying For"


"I always go after the story sometimes not thinking my love ones, my mom, my kids and this time I guess you know, kailangan maisip ko din na may mga nagmamahal sa akin na nasasaktan sila. It was so unthinking and irresponsible in that way to my children, my mother , my sisters and brothers who I put them in an ordeal like that."

This was the emotional words of ABS CBN Ces Drilon-Orena hours after she was emancipated from a nine day breath-taking encarceration from the notorious Abu Sayyaf. Ces, a veteran broadcast journalist who has been at the focal point of many and unfolding news stories, frequently under extreme circumstances found herself in the unpopular position of being in the news herself while they were on the way to interview a top commander of the Abu Sayyaf terrorist group.

LESSONS SHOULD HAVE BEEN LEARNED

Ces is the third local journalist abducted by the ASG, the first being another ABS-CBN staff who were paid up for a few millions during the Sipadan crunch and Inquirer reporter Arlyn dela Cruz. Vice President Noli de Castro and his team of media people were almost seized captives by the ASG when they called on the campsite when he was still a broadcaster. In this day of tight TV network competition between ABS-CBN and GMA7, media personalities seemed to come hell and water for stories . Despite the fact that the country has the disgraceful reputation of having the fifth-highest number of journalists killed and high incidence of kidnapping, media take these risks as part of their job and responsibility for these networks and consequences have to be accepted even if unpleasant. With the "NO RANSOM POLICY" of both government and TV stations , media men going to bandit territory found themselves bearding the lions in their own den. Sad part is, journalists today give much attention to these outlaws by making interviews, news, and documentaries in pursuit of shining the light of exposure in broadcasting. These seemed to justify and spotlight the banditry of these terrorists instead of a help to wipe them out and put an end to all their ill doings. Media men without adequate training on international war correspondence are sent to Sulu and Basilan as baptism of fire. When was Press freedom has gone so free, irresponsible and careless like this?

Media should get off and pay no attention to this terrorists because all they do is terrify and create panic to the public , and thats not what the people want. It's their destruction and total eradication that interests us most. We easily fail to recall-or do not reflect about until tragedy and misfortune wallops. Even the dog in the streets know how dangerous and treacherous to confront these people. Media should draw the line and set boundaries for themselves with regards to covering of stories. Entering the den of these radicals are just like crossing the Rubicon or facing your own demon.

Ces Drilon said: " I though I was so reckless I did not think of my family, that I put them in a really terrible ordeal in the past, then it made me realized the value of life, my family, and my colleagues." Another abject lesson for journalists not dare a challenge that the result will not be worth the effort put in to achieve it. Ces admittedly disregarded some cautions and put the lives of her team in danger because of her stubbornness. We should not throw warnings to the air and sacrifice ourselves , our love ones and others in a blind pursuit of self-fulfillment through career success. As one journalist said: " No story is worth dying for."

Tuesday, June 17, 2008

HABANG HUMIHIRAP... LALONG TUMITINGKAD, PATULOY NA TUMATATAG

Si Anne Marie Jarvis ang nagpasimula sa pagdiriwang ng Mother’s Day bilang pagdakila sa yumao niyan ina nuong 1905. Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon kay Sonora Smart Dodd na ipagdiwang ang Father’s Day bilang pagkilala sa kanyang katangi-tanging ama na mag-isang itinaguyod silang anim na magkakapatid. Animnapu’t pitong taon pa ang lumipas upang ganap na kilalanin ng buong mundo ang pagdiriwang ng Father’s Day.

Mahirap ang buhay sa panahon na ito. Halos lahat ng aking nakakausap ay dumadaing sa taas ng mga bilihin lalo pa nga’t walang puknat ang pag alagwa ng presyo ng krudo at iba pang produktong petrolyo. Isali mo pa ang tustusin sa pagpasok ng pagbubukas ng eskwela. . . Grabe! Kaya karamihan sa atin lalung-lalo na ang mga tatay ay dinodoble ang kayod para matugunan lamang lahat ang panganagailangan ng pamilya. Maraming pagbati ang aking natanggap nuong Father’s Day. Personal, texts, phone call, e-mails, pm’s, friendster widgets. Nakakatuwa at nakaaalis ng pagod. Nagpapasalamat ako sa mga pagbating ito . Sa lahat ng mga greetings natanggap ko , higit kong ikinalugod ang mga pagbating nagmula sa aking asawa at mga anak. Para bang humulas lahat ng pagod, stress at puyat na naranasan ko sa mga nagdaang araw. Pakiramdam ko habang humihirap ang buhay lalong tumitingkad ang kulay ng ang aking pagiging tatay at lalo kong nararamdaman ang appreciation kapalit sa lahat ng aking pagsusumikap. Ang buhay daw ay isang hamon at pagsubok at ito ang araw-araw kong sinasagupa para lalo akong maging matatag para sa kanila. Dinadakila ko ang aking asawa at ang bawat ina ng tahanan (lalo at higit sa mga nanay na sabay na ginagampanan ang tungklin ng isang ama at ina) sapagkat buo ang aking paniniwala na walang hihigit sa kanilang pagkalinga at pag-aaruga at isa ito marahil sa mga katangiang nagpapalakas ng loob kung bakit marami ring mga tatay ang napipilitang maghanapbuhay sa ibang bansa at mapalayo sa kanilang mga minamahal. Napakahirap na desisyon ito at iniisip ko pa lang ay parang hindi ko na kaya. Ayokong lumipas ang kahit isang segundo sa aking buhay na malayo at wala sa piling ng aking mag-iina. Kaya kahit mahirap ang manatili at maghanapbuhay dito, buong sikap kong pinipilit at hindi naman ako pinbabayaan ng Diyos. Malaki ang paghanga ko sa mga tatay na OFW (sa mga nanay din) sa kanilang tapang at tatag.Wala siguro kahit sinuman ang magnanais na mapalayo sa kanyang asawa at mga anak, pero mahirap ang buhay sa Pinas kaya masakit man ito para sa isang ama, pagtitiis at kalungkutan ang nagiging kabayaran kapalit ng isang magandang buhay. Sino bang matinong tatay ang nagnanais na magutom ang kanyang pamilya? Ang responsableng ama ay laging nag-iisip na maibigay ang lahat ng kanyang makakaya materyal man o imateryal para sa lubos na kasiyahan ng kanyang mga mahal sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay, marami rin sa mga tatay ang di makatugon sa kani-kanilang responsibilidad na nagiging sanhi ng pagkasira ng kani-kanilang pamilya kasabay ng pagguho ng kanilang mga pangarap. Hindi siguro mangyayari ito kung hindi natin aalisin ang tiwala natin sa atin mga sarili at ang pagsisikap sa abot ng ating kakayahan. At higit sa lahat ang paniniwala sa Diyos na hindi Siya magbibigay ng anumang alituntunin o pagsubok sa ating mga buhay ng hindi natin mairaraos at magagampanan. Mahirap ang maging isang ama pero katulad ng pagiging ina ng isang babae, ito rin ang nagbibigay ng tunay na katuturan sa pagiging ganap ng isang lalaki. Marami sa kalalakihan ang hindi nabiyayaaan ng pagkakataon na maging isang tatay sa kanilang mga buhay .Kaya huwag nating sasayangin ang pagkakataong ito na ibinigay ng Poong Maykapal sa atin dahil isang banal at dakilang gampanin ang nakaatang sa balikat ng bawat nilalang na mga ama. Isipin na lang natin na ang pagiging isang tatay ay kahalintulad ng pagpipintura ng isang mataas at malaking gusali gamit ang napakaliit na brutsa na habang natatapos ay naiibsan ang ating mga lula dahil unti-unti nating nakikita kung gaano kakulay ang ating ginawa o maihahambing natin sa pagtatayo ng isang konkretong pundasyon sa ilalim ng matindi at nakakapasong init ng araw na nilalagyan at pinatitibay ng mga kabilya upang sa paglipas ng maraming panahon ay manatiling nakatayo ng buong tatag. . .

Thursday, June 12, 2008

AIMING FOR PERPETUAL GLORY

When Lehlohonolo "Hands of Stone" Ledwaba (35-2-1- 22ko's) was scheduled to make a routine defense against Mexican Enrique Sanchez in Las Vegas, Manny Pacquiao ( 46-3-2 35ko's) was working out in LA for an upcoming bout. Two weeks prior to Ledwaba - Sanchez fight the latter withdrew due to injury and Pacman stepped in as a last -minute proxy. Most of the fight spectators who witnessed the bout had no clue who Manny was . He was not given the probabilities to beat Ledwaba, but Manny proved them wrong and showed himself as he annihilated and crashed then sent to stupor the former champion. After this bout, Manny's boxing career blossomed with resounding stoppage triumphs over Jorge Eliezer Julio, Fahprakorb Rakkiatgym, Serikzhan Yeshmagambetov, Emmanuel Lucero, Fahsan 3k Battery, Hector Velasquez, Oscar Larios, Jorge Solis, and his memorable and impressive conquests against Mexican boxing icons and future Hall of Famers Marco Antonio Barerra, Erick Morales and Juan Manuel Marquez.

Pacquiao holds the title as the first Asian Boxing Champion in three different weight categories. He is the current WBC Super Featherweight Champion, and the former World Champion at IBF Super Bantamweight and WBC Flyweight Division. Recently, after Floyd Mayweather official announcement of his retirement, Pacquiao added another momentous feats to his long list of boxing honors when he was named as the No. 1 pound-for-pound fighter in the world.

On June 28 at Mandalay Bay Resort & Casino in Las Vegas, Pacquiao will have a crack to become the first Asian fighter to win sanctioned world titles in four different weight divisions when he throws down the gauntlet against WBC lightweight champion David Diaz. Pacquiao considered as a " National Treasure" by the entire Filipino people will make an effort to put up an eternal podium of boxing immortality for the country and the Asian region. Whatever maybe the aftermath, Pacquiao, will most likely be assured of a pew in the prestigious and exalted International Boxing Hall of Fame in the future.

Stronger Than Impressions