Kapangyarihan, sino ang may ayaw dito? Marami sa atin ang naghahangad nito kahit pa nga sabihing ang pagkakaroon nito ay isang malaking responsibilidad na animo’y malaki at mabigat na bato na ipapatong natin sa ating mga balikat. Sa ating pamahalaan marami ang nagkukumahog na maluklok sa kapangyarihan at gagawin ang lahat mapasakanila lamang ito. Dayaan, suhulan at kung anu-ano pang ilegal at iregularidad ang labanan para mapasakamay lamang ang kapangyarihang hangad. Huwag na tayong lumayo ng usapan, Gawin na lang natin ang isang magandang halimbawa ang kalakaran sa isang opisina. Mahigpit ang kumpetensiya . Credentials, tenureship, kamag-anak system, (o kung magaling kang sumipsip o manira ng kasamahan mo medyo lamang ka na) ilan sa mga batayang tinitignan ng ilang opisina upang italaga ang isang empleyado sa isang mahalagang posisyon. Masarap nga naman ang pakiramdam kung ikaw ay narito na at tinitingala ng lahat ng buong galang at pagpipitagan. Masarap din pakinggan kung tinatawag kang 'Boss' o 'Sir' o 'Mam' at lahat ng iyong “under”ay nagpupugay sa tuwing ikaw ay daraan sa kanilang kinaroonan at nagkakandarapa sa pagtalima sa lahat ng iyong kautusan. Naaalala ko nuong ako ay namamasukan pa sa isang opisina sa Quezon City, kung paano pinipili ng Amo ang taong itatalaga niya sa isang Departamento. Nakakatawa na nakakainis (pero mas natatawa ako at pinilit ko na lang manahimik at magtrabaho sa sarili kong Departamento at nakuntento na lang sa pagmamasid sa mga nakakatawang nagyayari) Isipin mo na lang na isang batang paslit na naglalaro ng laruang tau-tauhan, puppet o robot… Ganuon ang naging batayan ng may ari ng kompanya sa pagpili niya ng mga Boss sa opisina. Nanghihinayang ako sa mga higit na qualified na piniling manatili sa kanilang kinalalagayan. Totoo nga na ang mga taong walang alam ay higit na maingay at maikukumpara mo sa isang lata ng sardinas na walang laman.Naaawa ako sa kanila pero totoong ang kapangyarihan ay isang liwanag nakasisilaw lalo na kung gipit ang iyong kalagayang at ang isinusubo sa iyo ay isang katakamtakam na pain na lalong nakapag aalab ng iyong gutom at uhaw at sa huli ay iyo ring isusuka kapag ikaw ay natauhan. Malaki ang paghanga ko sa mga taong piniling manatili sa kanilang kinalalagayan kaysa ipagpalit ang kalayaan nilang makapag desisyon sa sarili ng tama at ayon sa kanilang mga konsiyensiya. Saksi ako kung paanong ang mga dati kong kasamahan ay tanggalin sa kani-kanilang mga trabaho ng walang kalaban-laban kalakip ang masakit na pag alipusta sa kanilang mga pagkatao pagkatapos ng mahabang serbisyo sa kompanya. Walang nagawa ang mga Boss na ito kung di maging mga tuod at manhid sa mga nangyayari sa takot na sila ang pagbalingan ng galit ng may-ari..May saysay bang tawagin kang Boss kung alam mo sa sarili mo na hindi mo magawa at maipaglaban ang dapat at tama? Ipahamak ang iba para sa sariling kapakanan at kagalingan, lunikin ang sariling prinsipyo at paggalang sa sarili? O patuloy na pandarambong sa sarili sa pag aakalang iginagalang ka at itinitingala gayong pag nakatalikod ka ay halos murahin at isuka ka sa galit ng iyong mga kasamahan? Sabi nga sa pelikulang Spiderman “ Great power comes great responsibility”. Pero maliit man ang iyong kapangyarihan ay may kaakibat pa ring responsibilidad ---- sa LAHAT. Hindi lang sa iyong amo kungdi maging sa iyong sarili at sa lahat ng iyong nasasakupan. Responsibilidad mo na ipatupad ang tama at ayon sa kabutihang asal maging ito ay salungat sa paningin ng mga higit na nakatataas sa iyo kahit pa ito ay maging kapalit ng lahat ng iyong tinatamasa sa kasalukuyan. Kung hindi mo kayang gawin ito - - - hanggang kailan ka magiging tau-tauhan at magbubulag-bulagan? Kailan mo maipagmamalaki sa iyong asawa, mga anak at higit sa lahat sa iyong sarili na wala kang sinagasaang tao at nagawa ang wasto sa iyong buhay? Walang kaakibat na halaga at kapangyarian ang pagtalima sa tamang gawa para sa ating sarili, pamilya at kapwa. Itanong natin sa ating mga sarili ngayon - Boss ba tayo o BusaBoss?
Nagmamagaling ang masama sa pang-aapi sa mga dukha, sinasakmal sila ng kanyang mga pakana. |
Mga Awit 10:2 |
3 comments:
Ito na yata yung sinasabing ang liit talaga ng mundo. Akalain mo ba naman sa dinami-dami ba naman ng puwedeng mapiling friend ate mo pa ang na-invite ko.... pre sori ha alam mo naman na harmless tayo, pero if you think hindi ako deserving maging friend niya block na natin okey ha...ha...ha....
Kumusta na pre? Okey yung bagong blog mo...parang tinamaan ako dun o patama talaga sa akin yun..dito ata angkop yung "gotcha" mo. Take care God Bless and Regards to "ATE".........
Pre ok lang yun! Mas maraming kaibigan mas masaya. Regarding sa Blog ko. No offense meant to anybody the fact that I did not bring up any single name of person there. I always make it a point that my readers can hit off every article I write and contemplate, reflect and ponder on its quintessence for their own benefit and enlightenment. Tinamaan ka ba Pre? Hahahahah! Ikaw talaga o? All I know is that “ the guilty think all talk is of themselves”. Ako ay nangangarap na kahit sa ganitong paraan tayo ay makapagbigay ng magandang halimbawa , inspirasyon at maituwid sa tama ang mga mali para sa mga readers ng blog ko. I just want to add that “Guilt is regret for what we’ve done. Regret is guilt for what we didn’t do.”
Thanks for reading at mabuhay ka kaibigan!
I admire people especially a guy who still continue doing their craft, yung gustong gusto nilang gawin. Though kahit wala na sa linya nila, parang kumbaga, nasa dugo na eto..Smile I started reading your blogs last night (i went home around 9pm already reading your blogs) and it really fascinates me, coz ang gaganda ng mga topics mo, very encouraging, informative and anybody who reads will inspire again...
Now, your now included on my list, one of my favorite writers hehe..I also used to write, though simple writings sa Literary Feature section, were contributors sa MHS. Journalism din ang elective ko nung HS under Ms.Evangeline Diaz, now principal of MHS. I remember your name na talaga coz there was filed old Ang Daloy papers na ginagawa naming samples before we start writing. In Short nangongopya kami!! hehe... ikaw yata ang pinakamaraming contributions dun sir!
I really love reading your Blogs,.. keep on writing sir.. may fan kana.. AKO! Very Happy .. pag nagkita tayo, pengeng authograph!..
God Bless!
Post a Comment